^

Bansa

6 akusado sa missing sabungero, naghain ng ‘not guilty’ plea

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghain ng ‘not guilty plea’ ang anim na akusado sa pagkawala ng mga sabungero sa Maynila sa arraignment at pre-trial ng kanilang kaso sa Manila City Regional Trial Court Branch 40 nitong nakaraang Huwebes.

Kabilang sa nagsabing hindi sila guilty ay sina Julie Patidongan, Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano, Jr., Johnry Consolacion, at Gleer Codilla. Ibinigay nila ang kanilang plea sa pamamagitan ng online hearing.

Matatandaan na naaresto ang anim sa isang operasyon sa Parañaque City nitong Setyembre 15. Nahaharap sila sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention na isinampa ng mga prosecutors ng Department of Justice.

Ang naturang kaso ay tinaguriang Manila Arena case o “Case 1” na iniimbestigahan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa pamamagitan ng binuong Special Investigation Task Group Sabungero.

Sa naturang kaso, dinukot noong Enero 13, 2022 sa Manila Arena ang mga sabungero na sina John Claude Inonog, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, Rowel Gomez, and brothers James Baccay at Marlon Baccay.

Sa naturang pagdinig, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na naging matipid ang mga tugon ng mga akusado. Inaasahan na umano nila ito dahil sa paglutang nitong Sabado ng kanilang abogado.

Itinakda ng korte ang susunod na pagdinig sa Oktubre 10, kung kailan tatalakayin ang petisyon nila para sa pagpipiyansa.

 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with