^

Bansa

Bong Go: Pondo para sa cancer, itaas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat itaas ang alokasyon  ng Cancer Assistance Fund (CAF) sa 2024 General Appropriations Act (GAA) para patuloy  na matulungan sa gastos sa pagpapagamot ang mga biktima ng cancer sa bansa.

Si Sen. Go ang mata-gumpay na nagtulak na taasan ang pondo ng CAF sa 2023 GAA. Noong una ay walang alokasyon sa panukalang badyet para sa 2023 sa ilalim ng National Expenditure Program ang CAF ngunit sa tulong ni Sen. Go ay naglaan ang Kapulungan ng mga Kinatawan at ang Senado ng P500 milyon.

“I am always one with you in the fight against this disease. In fact, during the budget deliberations last year, I pushed for an additional budget for the cancer assistance fund to subsidize the cost of cancer treatment, including the needed diagnostics and laboratory tests,” sabi ni Go.

Para sa 2024, umaasa si Go na madoble ang ha­laga ng alokasyon sa CAF para matulungan ang mas maraming cancer patients.

Ang National Integrated Cancer Control Act (NICCA), sa ilalim ng Republic Act No. 11215, ay ibinibilang ang CAF bilang isang mahalagang bahagi, na nag-aalok ng complimentary financial support sa cancer patients sa bansa.

Tinitiyak ng Section 20 ng NICCA na ang mga pasyente ng kanser ay dapat may access sa libreng tulong pinansyal para sa iba’t ibang pangangailangan, kinabibilangan ng screening tests, specialized treatments, diagnosis, palliative care, at medications.

Bukod sa CAF, nagbibigay din ang Malasakit Centers ng tulong pinansyal sa mga Pilipino.

Si Go ang principal author at sponsor ng RA 11463 o ng Malasakit Cen­ters Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.

Sa ngayon ay may 158 operational centers na ang nakatutulong sa mahigit 7 milyong Pilipino sa buong bansa, ayon sa DOH.

vuukle comment

ASSISTANCE

CANCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with