^

Bansa

Nangako na aalisin BRP Sierra Madre gustong talupan sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng Makabayan bloc na maghain ng resolusyon para paimbestigahan sa Kamara ang sinasabing dating pangulo na nangako na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, kailangang maglunsad ng imbestigasyon para matukoy ang mga indibidwal na responsable sa diumano’y pagselyado ng kasunduan sa gobyerno ng China para sa pag-alis ng barko sa Ayungin Shoal.

Kapwa itinanggi nina dating pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo na wala silang kinalaman sa sinasabing kasunduan.

Samantala, ang yumaong dating Pangulong Benigno Aquino III ang humamon sa pag-aangkin ng China sa pinag-aawayang karagatan.

Sinabi naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi niya alam ang naturang kasunduan, at iginiit na mananatili ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Dahil dito, ayon kay Castro ay si dating Pangulong Rodrigo Duterte na lang ang natitirang dating punong ehekutibo na posible umanong nangako sa China kaya dapat linawin ang isyung ito.

Si Duterte rin umano ang nagtungo sa China para makipag-usap kay Chinese President Xi Jinping pero hindi isinapubliko ang kanilang napag-usapan.

“It can be remembered that on May 6, 2021  President Rodrigo Duterte called the country’s arbitral victory against China’s claims in the West Philippine Sea a piece of paper that he can throw away in a trash bin. Duterte said the ruling affirming the Philippines’ sovereign rights in its exclusive economic zone is just a piece of paper that led to nothing,” punto ni Castro.

Sinabi rin ni Castro na si Duterte at ang kanyang anak na si Vice Pres. Sara Duterte ay tahimik sa isyu, gayundin sa iba pang mga agresibong pagkilos ng China laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.

vuukle comment

AYUNGIN SHOAL

SIERRA MADRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with