^

Bansa

Mass layoff sa Grab ­nakaamba, solon naalarma

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naalarma at mariing kinondena ni Manila 2nd district Rep. Rolando Valeriano ang umano’y nakaambang mass layoff ng Grab sa manggagawa nito sa bansa.

Binanggit ni Valeriano ang pahayag noon ng Grab sa Kongreso at sulat nito sa Department of Transportation ng kanilang commitment sa bansa upang magbigay ng trabaho sa maraming bilang ng mga Pinoy pero makaraan ang ilang buwan anya ay nag-anunsiyo ito ng mass layoff.

Sinabi ni Valeriano na dapat bigyang babala ang US-publicly listed company dahil sa mga aksiyon na para lamang sa interes ng negosyo nito.

“The Philippine Competition Commission (PCC) had penalized Grab for a couple of times already. Our Congressional Committee is already looking into other possible errors Grab may have committed in price-surging as sole TNVS player, as well as in acquiring Move It, a motorcycle taxi fleet,” dagdag ni Valeriano.

Sinabi pa ng mambabatas na sisilipin ng kanyang komite ang mga umano’y posibleng paglabag ng Grab kabilang ang mataas na singil sa digital platform nito na nagho-host ng ibang negosyo tulad ng “banking” gamit ang e-wallet, money transfer at payment sa GrabPay.

Bukod sa Pilipinas, ang Grab ay nag-ooperate rin sa Singapore, Malaysia, Cambodia, Indonesia, Myanmar, Thailand at Vietnam.

vuukle comment

GRAB

PCC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with