^

Bansa

Bakuna ng Vietnam vs ASF, subukan!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bakuna ng Vietnam vs ASF, subukan!
Magugunita na nitong Marso 27, iniulat ng BAI na maliban sa Metro Manila lahat ng rehiyon sa bansa ay na–infect na ng ASF na mas mataas pa sa  unang iniulat ng BAI na pitong rehiyon noong Pebrero.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nanawagan nitong Lunes si 2nd District Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay“ Villafuerte sa Bureau of Animal Industry (BAI) na maglunsad ng nationwide immunization drive laban sa African Swine Fever (ASF) para mapigilan ang pagkalat ng sakit na pumapatay sa mga alagang baboy.

Sinabi ni Villafuerte na kung hindi maagapan ang pagkalat ng ASF ay lilikha ito ng matinding delubyo sa domestic na populasyon ng babuyan at magpataas muli sa inflation.

Binigyang diin ni Villafuerte na napatunayang epektibo ang bagong veterinary drug laban sa ASF sa mga ala­gang baboy sa bansang Vietnam simula ng matuklasan ito noong nakalipas na taon kaya’t mas makabubuting subukin rin ito sa Pilipinas para tulungan ang mga hog raisers na sagipin ang kanilang mga alagang hayop at mapigilan ang pagtaas ng presyo ng karne ng baboy.

Magugunita na nitong Marso 27, iniulat ng BAI na maliban sa Metro Manila lahat ng rehiyon sa bansa ay na–infect na ng ASF na mas mataas pa sa  unang iniulat ng BAI na pitong rehiyon noong Pebrero.

Sa data ng BAI, nasa 54 probinsya mula sa 16 rehiyon ang dumaranas ng ASF outbreaks na ang pinakahuli ay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Samantalang inianunsyo naman ni DA Assistant Secretary at Spokesman Rex Estoperez ang babala ng National Livestock Program (NLP) hinggil sa posibleng shortage o kakulangan ng 46,000 metric tons (MT) ng baboy sa Hunyo kontra sa demand na 145,849 metriko tonelada.

Inihayag ng solon na ang DA at BAI ay nagsagawa ng inisyatibo tulad ng hog repopulation at Bantay ASF sa Barangay kung saan maraming industry player ang nag-aalinlangan na mag-invest ng 100% sa kanilang negosyo dahil sa patuloy na outbreak ng nasabing sakit sa baboy.

vuukle comment

ASF

BAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with