DOH: 157 kaso ng rabies naitala simula Enero, karamihan dahil sa aso
MANILA, Philippines — Umabot sa 157 ang kaso ng nakamamatay na rabies ang naitala sa Pilipinas simula Enero hanggang Hunyo ngayong 2022 ayon sa Department of Health (DOH) — karamihan dito, dulot ng "man's best friend."
Ito ang ibinahagi ng kagawaran sa media matapos isapubliko ang National Rabies Data (as of June 25, 2022) sa media ngayong Martes.
"Cumulatively, cases this year is 5% lower compared to the reported cases during the same period in 2021 (165)," ayon sa DOH kanina.
"Seventy-seven (77 or 49%) out of 157 biting animals of the reported cases were domesticated. Of these, 53 (69%) were unvaccinated for rabies."
Karamihan sa mga kaso ng rabies sa ngayon ay naitala sa:
- Central Luzon: 25 (16%)
- CALABARZON: 21 (13%)
- Western Visayas: 17 (11%)
- Davao Region: 16 (10%)
Karamihan sa mga kaso (119 o 76% nito) ay hindi vaccinated gamit ang rabies immunoglobulin (RIG) o rabies vaccine
"Category III is the highest exposure history among reported rabies cases comprising 112 (71%) cases," sabi pa ng DOH.
"Category III is defined as single or multiple transdermal bites or scratches, licks on broken skin, contamination of mucous membrane with saliva, and suspect contacts with bats."
Rabis at aso
Bagama't maraming Pinoy ang pamilya na ituring ang kanilang mga doggo, sila pa rin ang mga hayop na numero unong sanhi ng ganitong deadly virus.
"Most (131, 83%) of the biting animals among rabies cases were dogs," wika pa ng DOH.
Una nang sinabi ng data aggregator na iPrice Group na Pilipinas ang may pinakamaraming bilang ng pet searches (para sa adoption o salfe) sa Google sa buong Southeast Asia sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Napag-alaman ng grupong "mas prefer" ng mga naturang Pinoy ang aso kaysa pusa ng limang ulit.
Ang rabies, ayon sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ay isang viral disease na madalas maipasa sa pamamagitan ng kagat ng hayop. Nakakaapekto ang virus sa central nervous system, na siyang nagdudulot ng sakit sa utak at kamatayan.
Maliban sa mga aso, pwede ring maipasa ang rabies ng mga paniki, raccoons, skunks, atbp. mammals. — James Relativo
- Latest