^

Bansa

39 kaso ng hate crimes vs Pinoy sa US – DFA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
39 kaso ng hate crimes vs Pinoy sa US � DFA
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for Migrant Workers’ Affairs Paul Raymund Cortes na ang mga awtoridad ng Pilipinas ay “napakaingat” sa pagtukoy ng mga hate crime mula sa mga regular na pag-atake.
Department of Foreign Affairs Facebook page

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 39 insidente ng hate crime na tumatarget sa mga Pilipino ang naitala sa United States.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for Migrant Workers’ Affairs Paul Raymund Cortes na ang mga awtoridad ng Pilipinas ay “napakaingat” sa pagtukoy ng mga hate crime mula sa mga regular na pag-atake.

Ayon kay Cortes sa pakikipagpulong nila sa Philippine General Consultate sa New York, lumalabas na mayroong 38-39 documented cases doon.

Hindi naman binanggit ni Cortes ang sakop ng panahon kung kailan nangyari ang mga insidenteng ito, subalit kamakailan lamang ay naiulat ang mga pag-atake sa mga Pilipino sa US, kabilang sa mga ito ang 67-anyos na Pinay na tinamaan ng mahigit 100 beses na suntok sa New York.

Paliwanag pa ng opisyal na, maituturing lamang na hate crime ang isang insidente kapag binanggit ng suspek ang bansa o lahi ng biktima sa komprontasyon.

Sinabi rin niya na ang mga awtoridad ng Pilipinas ay nagsasagawa ng mga webinar tungkol sa pagtatanggol sa sarili para sa mga Pilipino upang turuan silang protektahan ang kanilang sarili mula sa pag-atake at upang itaas ang kamalayan sa usapin sa mga komunidad ng Asian-American.

Nagbibigay din ang Philippine Consulate General Consulate sa New York ng pepper sprays sa mga Filipino na magagamit nila kung sakaling atakihin.

vuukle comment

DFA

HATE CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with