^

Bansa

Mister ng ika-4 na Omicron case sa 'Pinas may COVID, 'di pa tiyak ang variant

Philstar.com
Mister ng ika-4 na Omicron case sa 'Pinas may COVID, 'di pa tiyak ang variant
File photo ng isang Philippine Airlines flight
The STAR /KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Nagpositibo rin sa COVID-19 ang asawa ng ikaapat na kaso ng mas nakahahawang Omicron variant na natagpuan sa Pilipinas, pagkukumpirma ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang lalaki ay isang 37-anyos na Pilipino. Gayunpaman, titiyakin pa lang kung may kinatatakutang Omicron variant din siya gaya ng 38-anyos niyang misis.

"Sample of husband has not been sent together with the wife to [Philippine Genome Center] for sequencing," ani Vergeire sa media ngayong Martes.

"Husband's sample will be processed now for sequencing."

Kasalukuyang naka-isolate na rin sa ngayon ang mga kasama sa bahay ng magkabiyak.

Ika-10 ng Disyembre nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mag-asawa galing sa Estados Unidos sakay ng Philippine Airlines PR 127.

"Both wife and husband were tested on the same day and isolated upon release of positive result. After a 10-day isolation, both were discharged asymptomatic. They will be retested based on existing protocols," dagdag pa ng DOH official.

"[H]ousehold members will be tested based on protocols."

Ni-release sa pasilidad ang babae kahit nagpositibo noong ika-25 dahil ang detection sa sequencing ay lumabas lang noong na-discharge na siya.

Paliwanag pa ni Vergeire, agad naman daw sasabihan ang mga nabanggit kung ang COVID-19 na dumapo sa kanila ay isang variant of concern (VOC) gaya ng Omicron variant.

Sa huling pagtataya ng Kagawan ng Kalusugan nitong Lunes, aabot na sa 3.83 milyon ang nahahawaan ng COVID-19. Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang nasa 51,187 katao. — James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with