^

Bansa

Death toll kay Ursula: 31

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na tumataas ang mga nasawi sa bagyong Ursula na pumalo na sa 31 katao, dalawa ang nasugatan habang 12 pa ang nawawala.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, karamihan sa mga nasawi ay sa Western Visayas Region na nakapagtala ng 19 katao.

Kabilang dito ay 13 sa Iloilo na karamihan ay nalunod, apat sa Capiz at dalawa sa Aklan.

Sa Region VII (Central Visayas) ay isa ang naita­lang nasawi sa Cebu.

Sa Region VIII o Eastern Visayas ay walo ang namatay na kinabibilangan ng isa sa Southern Leyte,  dalawa sa Leyte, isa sa Biliran, tatlo sa Eastern Samar  at isa sa Samar.

Iniulat naman ni MIMAROPA Police Spokesperson Police Lt. Col. Imelda Tolentino na tatlo ang nasawi sa Bulalacao, Oriental Mindoro.

Dalawa naman ang nasugatan sa Iloilo na nasasakupan ng Western Visayas Region.

Naitala naman sa 12 katao ang nawawala na pinaghahanap.

Una nang iniulat ng NDRRMC na nasa 12,131 pamilya o 43,850 katao ang kinakanlong sa 216 evacuation centers sa mga apektadong lugar.

Samantalang aabot naman sa 147 munisipalidad ang nakakaranas ng power outage o kawalan ng supply ng kuryente sa Regions VI, VII , VIII at MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan). 

Sa nasabing bilang ay naibalik na ang supply ng kuryente sa 31 lungsod at munisipalidad.

vuukle comment

BAGYONG URSULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with