^

Bansa

Hambalos ni Ursula

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Hambalos ni Ursula
Ayon sa PAGASA, nananatiling malakas at mapanganib pa rin ang bagyong Ursula na pitong beses nang nag-landfall simula Martes habang binabagtas ang mga lugar na dinaa­nan ni Super Typhoon Yolanda.
PAGASA

MANILA, Philippines — Isang pulis na kabilang sa rescue team ang iniulat na nasawi sa paghambalos ng bagyong Ursula sa mala­king bahagi ng Visayas Region nitong bisperas ng Pasko.

Sa inisyal na ulat ng Leyte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang biktima na hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan ay aksidenteng nakuryente sa Abuyog, Leyte.

Ayon sa PAGASA, nananatiling malakas at mapanganib pa rin ang bagyong Ursula na pitong beses nang nag-landfall simula Martes habang binabagtas ang mga lugar na dinaa­nan ni Super Typhoon Yolanda.

Marami ring mga bahay ang natanggalan ng bubong, natumba ang mga punong kahoy at 10 munisipalidad ang nawalan ng supply ng kuryente matapos pabagsakin ang mga poste nito.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 23,789 katao sa Visayas Region ang stranded sa mga pantalan, kanselado rin ang 63 biyahe ng eroplano sa iba’t ibang domestic flights.

Naitala naman sa 912 pamilya o 4,115 katao ang inilikas sa mga evacuation centers sa mga apektadong lugar sa Region 8 habang ang iba ay nanuluyan sa kanilang mga kamag-anak sa ibang lugar.

Alas-5 ng hapon kahapon, si Ursula ay namataan sa layong 15km timog timog kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro at patuloy ang pagkilos pakanluran sa bilis na 20km bawat oras.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 140 kph at pagbugso na 195 kph.

Nakataas ang signal number 3 sa southern Oriental Mindoro, southern Occidental Min­doro Calamine Islands, Caluya.

Signal number 2 sa Romblon, Batangas, Marinduque, nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island, Cuyo Islands, extreme northern portion ng mainland Palawan, northernn Antique.

Signal number 1 sa Bataan, Cavite, Laguna, nalalabing bahagi ng northern mainland Palawan, southern portion ng Quezon, Capiz, nalala­bing bahagi ng Antique at nalalabing bahagi ng Aklan.

Sa Sabado inaasa­hang lalabas ng bansa si Ursula.

vuukle comment

BAGYONG URSULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with