^

Bansa

394 sugatan, 2 nawawala dahil sa lindol sa Mindanao

James Relativo - Philstar.com
394 sugatan, 2 nawawala dahil sa lindol sa Mindanao
Kahapon, nasa 173 pa lang ang naitatalang injured dulot ng pagyanig. Ang mga biktima ay pawang nagmula sa Northern Mindanao, Davao at Soccsksargen.
AFP/Handout/Chyna Nicole

MANILA, Philippines — Daan-daan ang sugatan habang dalawa katao ang nawawala sa ngayon dulot ng magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Kamindanaoan nitong Martes ng umaga.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, Miyerkules, pumalo na sa 394 ang sugatan.

Kahapon, nasa 173 pa lang ang naitatalang injured dulot ng pagyanig. Ang mga biktima ay pawang nagmula sa Northern Mindanao, Davao at Soccsksargen.

Sa Valencia City, Bukidnon, isang customer ng isang mall, epleyado ng city hall at tatlong estudyante ng Valencia City High School ang naitalang nahimatay dahil sa pag-uga ng lupa.

Sa Magsaysay, Davao del Sur, isa ang nasagip mula sa pagguho ng lupa sa Baranggay Upper Bala, na nagtamo ng bali sa buto.

Sa parehong munisipalidad at baranggay, dalawa din ang naiulat na nawawala dahilsa pagguho ng lupa.

Umabot naman sa 133 imprastruktura ang nagtala ng "total damage" mula sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen at Bangsamoro Administrative Region in Muslim Mindanao.

Ang ilan sa mga ito ay eskwelahan, sentrong pangkalusugan, gusali ng gobyerno, sambahan at iba pang private commercial establishments. 

Di bababa sa 5 ang patay

Sa ulat ng The STAR aabot na sa pito ang bilang ng patay, ayon sa mga lokal na opisyal. Samantalang lima pa lamang ang kumpirmado ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Narito ang limang nabanggit:

  • Nestor Narciso, 66-anyos mula Koronadal City (nahulugan ng debris)
  • Angel Andy, 22-anyos mula Arakan, Cotabato (namatay sa rockslide)
  • Rene Boy Andy, 7-anyos mula Arakan, Cotabato (namatay sa rockslide)
  • Maricelle Moria, 23-anyos mula Banayal, Tulunan (nahulugan ng debris)
  • Jesriel Pabra, 15-anyos mula sa Magsaysay, Davao del Sur (nahulugan ng debris)

Sa ngayon, nakapaghanda na ng P1,109,437,849.36 standby funds ang central office at field offices ng Department of Social Welfare and Development.

Sa nasabing pera, P1,076,221,717.34 ang available bilang quick response fund sa sentrong opisina ng DSWD.

Nasa 333,285 na family food packs na nagkakahalaga ng P128,060,328.07 naman ang naihanda na ng ahensya.

Maliban pa ito sa food and non-food items na nagkakahalaga ng P741,305,060.70.

vuukle comment

EARTHQUAKE

MINDANAO

NDRRMC

NORTH COTABATO

TULUNAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with