^

Bansa

Velasco para Speaker okay sa PDP-Laban

Gemma Amargo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Velasco para Speaker  okay sa PDP-Laban
Ito ay matapos na lumagda ang 30 miyembro ng partido sa isang manipesto na sumusuporta sa kandidatura ng kongresista sa speakership race sa Kamara.

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng solidong suporta ang Partido Demokratiko Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-LABAN)  para sa speakership ni Marinduque Rep. Alan Velasco.

Ito ay matapos na lumagda ang 30 miyembro ng partido sa isang manipesto na sumusuporta sa kandidatura ng kongresista sa speakership race sa Kamara.

Sa ginanap na caucus noong Linggo ng gabi, mismong si Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales ang umapela sa mga miyembro na magkaisa sila na suportahan si Velasco para makuha ang liderato ng mababang kapulungan at pangunahan ito ng ruling party.

Sa naturang caucus, sinuportahan din ni  Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang panawagan sa kanyang mga kasamahan na suportahan si Velasco at pumirma sa manifesto.

Iginiit ni Pimentel na malaki ang maitutulong ng mayorya kay Pangulong Duterte na chairman ng PDP-Laban kung ang mga kongresista ay magdedesisyon sa susunod na House Speaker ay pabor din sa Pangulo.

vuukle comment

ALAN VELASCO

PARTIDO DEMOKRATIKO PILIPINAS-LAKAS NG BAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with