^

Bansa

DepEd, may paalala sa mga magulang vs Momo Challenge

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DepEd, may paalala sa mga magulang vs Momo Challenge
Ang ‘Momo challenge’ ay nagtatampok sa nakakatakot na larawan ng isang babae na base sa isang sculpture sa isang museum sa Japan ay nagsimula sa isang messaging app. Sa pamamagitan ng chat ay uutusan umano ang mga biktima, na kadalasan ay mga bata, na saktan ang sarili.

MANILA, Philippines — May paalala ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang at mga guardian upang matiyak na ligtas ang kanilang mga anak laban sa kontrobersiyal na ‘Momo Challenge’ sa internet.

Ang ‘Momo challenge’ ay nagtatampok sa nakakatakot na larawan ng isang babae na base sa isang sculpture sa isang museum sa Japan ay nagsimula sa isang messaging app. Sa pamamagitan ng chat ay uutusan umano ang mga biktima, na kadalasan ay mga bata, na saktan ang sarili.

Kumalat na rin maging sa Youtube at sa iba pang social media platforms ang naturang ‘Momo challenge’ at sinasabing naging dahilan na nang pagkamatay ng isang 11-anyos na batang lalaki kamakailan. 

Ayon naman sa DepEd, ‘open communication’ pa rin sa pagitan ng magulang at mga anak, ang pina­kamabisang paraan upang labanan ang anumang panganib. Paliwanag ng DepEd, dapat na panatilihin ng mga magulang at mga guardian ang bukas na pakiki­pagtalastasan sa kanilang mga anak upang matiyak na nababantayan ang mga ito laban sa anumang panganib na dulot ng internet, gaya ng “Momo Challenge.”

Sa pamamagitan ng komunikasyon ay malalaman ng mga magulang ang mga ginagawa ng anak at magkakaroon ang mga bata ng lakas ng loob na magsabi ng kanilang saloobin sa mga magulang.

vuukle comment

MOMO CHALLENGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with