^

Bansa

Krisis sa enerhiya nagbabadya – Enrile

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Krisis sa enerhiya nagbabadya � Enrile
Ipinaalala ni Enrile na ang tanging pinagkukunan ng bansa ng hydrocarbon energy ay ang Malampaya at kung magkakaroon ng kaguluhan sa Russia o sa Middle East at sa Latin Africa ay apektado ang suplay ng krudo.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nanawagan si da­ting Senate President Juan Ponce Enrile sa gobyerno na kumilos agad at solusyunan ang nagbabadyang krisis sa enerhiya na maaaring lumala dahil sa inaasahang mala­king panga­ngailangan sa kuryente at gasolina ng progra­mang ‘Build, Build, Build’.

Ipinaalala ni Enrile na ang tanging pinagkukunan ng bansa ng hydrocarbon energy ay ang Malampaya at kung magkakaroon ng kaguluhan sa Russia o sa Middle East at sa Latin Africa ay apektado ang suplay ng krudo.

“??In one week’s time, we will not have enough supply of power,” ani Enrile.

Isa aniya sa mga malalang epekto ng nagbabad­yang krisis ay ang magiging kakula­ngan sa pagkain at iba pang suplay sa Metro Manila dahil sa magi­ging balakid sa “transport system” kung wala nang reserbang diesel at gasolina.

Naniniwala rin si Enrile na dapat pagtuunan ng pansin ang paglikha ng iba pang mapagkukunan ng enerhiya upang hindi na umasa ang bansa sa imported na gasolina para sa mga pangangaila­ngan nito.

Nagbabala rin si Enrile sa maaaring mangyaring giyera sakaling magkakaroon ng krisis.

Dagdag pa niya, “That’s why Russia is now controlling the Arctic Sea because of the scarcity. All of this is finite. ‘Yung crudo is not self-producing. Mauubos ‘yan – even uranium,” wika pa niya.

Sa kasalukuyan, tina­tayang mawawalan na ng reserba sa gasolina sa taong 2024 ang Malampaya Natural Gas Facility. Ito ang nagsusuplay ng 30% ng demand sa kuryente ng Luzon at, sa pagkawala nito, bababa nang malaki ang power reserve ng Pilipinas.

Ayon sa mga datos ng DOE, 94% sa panga­ngailangan ng Pilipinas sa suplay ng petrolyo ay inaangkat mula sa ibang bansa.

vuukle comment

ENERGY CRISIS

JUAN PONCE ENRILE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with