GMA gusto raw maging Finance chief
MANILA, Philippines — Gusto umanong maging Finance chief ni House Speaker Gloria Mapacagal-Arroyo sa sandaling magtapos ang termino nito sa ?June 30, 2019.
“There’s a rumor that House Speaker Gloria Arroyo wants to become a Finance chief,” pagbubunyag kahapon ni Budget Sec. Benjamin Diokno.
Sinabi pa ni Diokno, ang tanging naging tugon lamang ni Finance Sec. Sonny Dominguez ng marinig din ang nasabing ‘rumor’ ay ‘interesting’.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na wala naman siyang narinig na ganitong tsismis sa loob ng Gabinete.
Ang narinig niya mula kay Speaker Arroyo ay nais na lamang nitong magretiro sa pulitika kapag natapos ang termino nito bilang kongresista.
- Latest