^

Bansa

Solon natakot maaresto, pagpa-file ng COC naudlot

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Solon natakot maaresto, pagpa-file ng COC naudlot
Ayon kay Arbison, ang kanyang kasong arson ay gawa-gawa lamang umano ng kanyang kalaban sa pulitika na naihain pa noong 2004 at umano’y dinismis na ng korte.

MANILA, Philippines — Dahilan sa pangambang arestuhin, hindi ma­kapaghain ng certificate of candidacy si House Deputy Speaker at Sulu Rep. Munir Arbison.

Ayon kay Arbison, ang kanyang kasong arson ay gawa-gawa lamang umano ng kanyang kalaban sa pulitika na naihain pa noong 2004 at umano’y dinismis na ng korte.

Paniwala ni Arbison, political harassment lamang ito ng kanyang mga kalaban bagaman magkaibang posisyon ang tatakbuhan nila ni dating Sulu Governor Abdusakur Tan.

Sa isang pulong balitaan, iginiit niya na upang hindi madamay sa warrant of arrest ang kanyang paghahain ng COC ay agad silang dumulog at nagpetisyon sa Court of Appeals (CA) na mabilis namang naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO).

Ang masakit lamang umano ay hindi kinikilala ng Philippine National Police-Criminal Investigation Division Group (PNP-CIDG) ang naturang TRO.

Nangangamba naman ang kampo ni Arbison na ipaaresto ang kongresista sa sandaling tumuntong ito sa Sulu at maghain ng COC.

vuukle comment

MUNIR ARBISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with