^

Bansa

Land owners sa Marawi nagtaas ng presyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Land owners sa Marawi  nagtaas ng presyo
Dahil dito, naghigpit ang TF Bangon Marawi sa paghahanap ng mga lupaing bibilhin ng gobyerno sa Marawi City para sa housing projects ng gobyerno.
File

MANILA, Philippines — Natuklasan ng Task Force Bangon Marawi na mayroong mga may-ari ng lupa na nagsamantala at itinaas ang presyo ng mga ito matapos malaman na bibili ang gobyerno ng lupa para sa housing projects nito na bahagi ng rehabilitation program.

Dahil dito, naghigpit ang TF Bangon Marawi sa paghahanap ng mga lupaing bibilhin ng gobyerno sa Marawi City para sa housing projects ng gobyerno.

Ito ay makaraang madiskubre ng Task Force ang ilang tinatawag na speculative activities sa siyudad.

Ayon kay NEDA Usec. Adoracion Navarro, partikular na rito ay ang pananamantala ng ilang land owners na nagbibenta ngayon ng lupa sa 10 beses na presyo.

Mula sa orihinal na P500 kada metro kwadrado, may ilang may-ari ng lupa ang bigla umanong itinaas ang presyo ng P5,000 per square meter.

Tiniyak naman ni Navarro na hindi naman malawakan ang ganitong raket ng ilang may-ari ng lupa. Mahigpit aniya nilang binabantayan ang ganitong mga aktibidad at hindi papayagan ng gobyerno na magpatuloy.

Sinabi naman ni Task Force Bangon Marawi spokesman Deputy Administrator Christopher James Purisima na on target pa rin naman sila at inaasahang sa Hunyo ay masisimulan na ang konstruksyon ng mga istruktura sa Marawi City.

vuukle comment

HOUSING PROJECTS

REHABILITATION PROGRAM.

TASK FORCE BANGON MARAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with