^

Bansa

Duterte sa pag-appoint kay Mocha Uson: Utang na loob ko yan

Pilipino Star Ngayon
Duterte sa pag-appoint kay Mocha Uson: Utang na loob ko yan

MANILA, Philippines — Walang nakikitang mali si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatalaga kay Mocha Uson bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Sinabi ni Duterte na karapat-dapat si Uson sa bago niyang trabaho dahil sa angking talino.

"There's nothing wrong with the woman, the girl. She's bright. She's articulate," paliwanag ng Pangulo bago umalis patungong Cambodia, China at Hong Kong.

Dinepensahan pa niya ang bagong assistant secretary sa mga nambabatikos dahil sa nakaraang trabaho nito.

BASAHIN: Mocha Uson ginawang assistant secretary ng PCOO

"'Yang pagsasayaw niya hanapbuhay 'yan... There's no law which says that if you expose half of your body with shorts and a bra you are disqualified from being the president of the Philippines," dagdag niya.

Tinanaw din niya ang pagmamalasakit ni Uson noong panahon ng kampanya kung saan tinulungan siya nito.

"Utang na loob ko 'yan sa kanila because they offered their services free at a time na wala akong pera because they believed in me. Now it's my time to believe in them," sabi ni Duterte.

Makakasama ni Uson si PCOO Secretary Martin Andanar kung saan hahawakan niya ang social media ng opisina.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with