^

Bansa

Signal no. 4 kay ‘Lawin’

POSTSCRIPT - Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Signal no. 4 kay �Lawin�
Ayon sa PAGASA, oras na mag-landfall ang naturang bagyo sa Northern Luzon sa darating na Huwebes ay maaring isailalim sa signal no. 4 ang Cagayan, Calayan islands, Apayao at Ilocos Norte sa Miyerkoles ng gabi.
PAGASA

MANILA, Philippines – Malaki ang posibilidad na umabot sa signal no. 4 ang bagyong Lawin habang patuloy ang paglapit sa kalupaan ng bansa. 

Ayon sa PAGASA, oras na mag-landfall ang naturang bagyo sa Northern Luzon sa darating na Huwebes ay maaring isailalim sa signal no. 4 ang Cagayan, Calayan islands, Apayao at Ilocos Norte sa Miyerkoles ng gabi.

Alas-6 ng gabi, si Lawin ay namataan sa layong 860 kilometro silangan ng Infanta, Quezon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kilometro bawat oras at pagbugso na aabot sa 230 kilometro bawat oras.

Si Lawin ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.

Sinasabing pagkatapos nitong mag-landfall sa Cagayan area ay sunod na babaybayin ng bagyo ang bahagi ng Ilocos Norte at Apayao.

Bunsod into, nakataas na ang signal no. 1 sa Ilocos Norte, Apayao, Cagayan kabilang ang Calayan group of Islands, Batanes group of Islands, Isabela, Kalinga, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Aurora, Nueva Ecija, Pangasinan, Catanduanes at Polillo Islands.

Kung magpapatuloy ang direksiyon ni Lawin, malamang na lumabas sa Philippine area of responsibility ang bagyo sa araw ng Biyernes.

vuukle comment

BAGYONG LAWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with