^

Bansa

House probe sa Pasay concert tragedy

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sisimulan na ngayong araw ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang imbestigasyon sa naganap na concert tragedy sa isang mall sa Pasay City na ikinasawi ng limang katao bunsod sa paggamit ng illegal na droga at sa posibleng kapabayaan ng organizer.

Ayon kay Quezon City Rep. Winston Castelo,  chairman ng House Committee on Metro Manila Development na isa sa tatlong investigating pa­nel na nag-iimbestiga sa naturang insidente, dapat malinawan ng Kongreso kung bakit may nasawi sa concert sa kabila ng mahigpit na seguridad na ipinatupad ng Activation Advertising Inc.

Iginiit pa ng kongresista na walang sisinuhin o exempted sa kung sino ang may kasalanan sa nasabing trahedya at ipatutupad ang buong puwersa ng batas upang mabigyang hustisya ang mga biktima ng kapabayaan.

Sinabi ni Castelo na nakasalalay sa kanilang imbestigasyon ang kapakanan at kaligtasan ng publiko kaya inaasahan na matutukoy  nila kung nakumpromiso ang kaligtasan at kapakanan ng mga dumalo sa “Close Up Forever” summer concert sa kilalang mall sa Pasay noong nakaraang buwan.

Paliwanag naman ni Castelo na bibigyan ng pagkakataon ang bawat isang organisasyon na ipaliwanag ang kanilang mga panig tungkol sa naging partisipasyon nila sa naturang event.

Ang Activation Advertising Inc. ang isa sa kinontrata ng Close Up para siyang mamahala sa seguridad ng nasabing concert.

Iimbitahan ng komite sa gagawing pagdinig ang mga kinatawan ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), SM, Unilever Philippines Inc., Pasay Police at ang event organizer.

vuukle comment

FELICIANO SONNY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with