^

Bansa

Kaltas-suweldo na P10k tulong ng Kamara sa Fallen 44

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naghain ang liderato ng Kamara ng isang resolution para sa pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa pamilya ng Fallen 44 na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa House resolution 1865, nina House Speaker Feliciano Belmonte, Majority Leader Neptali Gonzales at Accounts Committee chairman Jesus Madrona, nakasaad dito ang pagkaltas ng tig P10,000 mula sa sahod ng mga kongresista.

Subalit  kailanggang magboluntaryo muna ang mga kongresista na magdo donate sa mga biktima bago ito ibawas sa kanilang sweldo.

Sinabi naman ni Gonzales, ito ang paraan nilang mga kongresista para ipaabot ang pasasalamat sa malaking sakripisyo ng Fallen 44 para sa bansa,

Matatandaan na may hiwalay na resolusyon para dito ang mga kongresista na dating pulis at sundalo habang marami din resolusyon ang naihain na kumukondena sa insidente at humihiling ng imbestigasyon dito.

vuukle comment

ACCOUNTS COMMITTEE

GONZALES

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

JESUS MADRONA

KAMARA

MAGUINDANAO

MAJORITY LEADER NEPTALI GONZALES

MAMASAPANO

MATATANDAAN

SA HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with