^

Bansa

Bangka lumubog: Hepe ng Limasawa PNP, 5 pa nawawala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim-katao kabilang ang hepe ng Limasawa Island PNP sa Sou­thern Leyte ang nawawala makaraang lumubog ang bangkang sinasakyan sanhi ng bagyong Seniang noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang nawawalang opisyal na si P/Chief Inspector Richard Castañares habang ang iba pa ay kinabibilangan ng apat na sakristan at isang skipper ng bangka.

Sa ulat ng Office of Civil Defense Region 8, dakong alas-2 ng hapon habang naglalayag sa karagatan ang Bangka na lulan ang mga biktimang  patungong Limasawa Island nang balyahin ng malakas na alon.

Bunga nito, pinasok ng tubig ang bangka hanggang sa tuluyan itong lumubog kung saan tinangay ng malakas na alon ang mga biktima.

Nabatid na sa kabila ng masungit na panahon ay bumiyahe pa rin ang nasabing hepe mula pantalan ng Barangay San Roque sa bayan ng Macrohon patungo sa Limasawa Island dahil nag-aalala ang opisyal sa epekto ng bagyo sa nasabing isla.

Patuloy naman ang search and rescue operation ng pinagsanib na elemento ng Philip­pine Coast Guard, Philip­pine Navy at ng local na rescue team.

 

vuukle comment

BANGKA

BARANGAY SAN ROQUE

BUNGA

CHIEF INSPECTOR RICHARD CASTA

COAST GUARD

KINILALA

LIMASAWA ISLAND

OFFICE OF CIVIL DEFENSE REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with