^

Bansa

Bentahan ng paputok sa Muntinlupa, nilangaw

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - ‘Nilangaw’ ang ilang nagtitinda ng paputok sa lungsod ng Muntinlupa  dahil bumaba ang bilang ng mga   mamimili nito,   na ang isa sa mga  dahilan ay kukuha muna ng permit sa pulisya at  bumbero bago gumamit nito  sa mga itinakdang fire cracker zone area.

Ayon sa tanggapan ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi,  base na rin sa report ng pulisya maituturing na positibo ang resulta ng kanilang mahigpit na kampanya kontra paputok.

Sa bisa ng Ordinance No. 14-092, mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaang local ng Muntinlupa  ang magbenta at gumamit ng paputok  sa naturang lungsod.

Nakapaloob din sa naturang ordinansa, kung ang  mga paputok na pinahihintulutan naman ng pamahalaang ay pwede lamang paputukin sa mga  itinakdang fire cracker zone ng Muntinlupa City government.

Subalit, kailangan munang humingi ng permit sa Muntinlupa City Police at Bureau of Fire and Protection (BFP) upang ma-inspection kung ang gagamiting bang paputok ng mga ito ay pinahihintulutan ng pamahalaan at  hindi magiging mapanganib sa kalusungan ng tao.

Sa rekord ngayon ng Muntinlupa City Police, wala pa namang nahuhuling lumabag sa naturang ordinansa.

vuukle comment

AYON

BUREAU OF FIRE AND PROTECTION

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY MAYOR JAIME FRESNEDI

MUNTINLUPA CITY POLICE

NAKAPALOOB

ORDINANCE NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with