Drilon dadalo sa Senate probe
MANILA, Philippines - Dadalo si Senate President Franklin Drilon sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa diumano’y overpriced na Iloilo Convention Center (ICC) na gagawin sa Nobyembre 13, Huwebes.
Sinabi ni Drilon na bukas siya sa gagawing imbetigasyon at nakahanda siyang sagutin lahat ng mga tanong sa kanya sa isyu pero nilinaw nito na mag-iinhibit siya sa hearing at ipapaalam ito sa komite at hindi siya sasali sa pagtatanong sa mga resource persons.
“I welcome the investigation, and I support the investigation. I will inhibit myself from the investigation, but I will answer any and all questions in any forum, on this issue of the alleged overpricing of the Iloilo Convention Center. So I will appear only to manifest my inhibition, but will answer any and all questions. Not only in the Blue Ribbon Committee hearing, but in any forum,” ani Drilon.
Wika pa ng senate president, na dahil mag i-inhibit siya sa hearing bagaman at magpapakita siya at hindi ito iisnabin, maari na rin siyang ituring na isang resource person.
Aminado si Drilon na maaring maging “awkward” ang sitwasyon dahil isa siyang senador pero dadalo at sasagot sa mga tanong, pero wala umano siyang magagawa at haharapin niya ang sitwasyon.
“It has been alleged that I participated in the overpricing of the Iloilo Convention Center. It is awkward, but that is the situation I face. Otherwise, sasabihin tinatakbuhan ko ang investigation. Haharapin ko iyan,” ani Drilon.
Hindi pa tiyak ni Drilon kung uupo siya sa hearing matapos magpahayag na mag i-inhibit siya pero handa umano siyang sumagot sa mga nais magtanong sa kanya.
Umaasa rin umano si Drilon na magiging patas ang chairman ng komite na si Senator Teofisto “TG” Guingona.
Matatandaan na nakaladkad ang pangalan ni Drilon sa sinasabing overpriced na Iloilo Convention Center (ICC) dahil kabilang ang pondo niya bilang senador sa ginamit sa pagpapagawa ng convention center.
- Latest