^

Bansa

Magtiyo, utas sa rider

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kapwa nasawi ang magtiyuhing volunteer security guard matapos ratratin ng hindi pa kilalang suspek na naka-motorsiklo, kamakalawa ng gabi  sa Parañaque City.

Dead-on-the-spot si Michael Bigno, 38, ng Le­banon St. Brgy. Don Bosco nang nasabing lungsod sanhi ng tatlong tama ng bala ng kalibre 45 baril sa ulo at sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Dead-on-arrival naman sa  Parañaque Doctors Medical Center ang pamangkin nitong si Guillermo Bigno Jr.,  22, binata, ng Area 6 Sitio Libo Brgy. Santo Niño Parañaque City sanhi ng isang tama ng bala sa tiyan.

Batay sa  report na natanggap ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police naganap ang insidente alas-9:00 ng gabi sa loob ng compound ng Better Living Lebanon St. Brgy. Don Bosco­ nang nasabing lungsod.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Christopher Villaquel ng Station Investigation and Detective Management Section ng Parañaque City Police kasalukuyan umanong nagroronda ang mag-tiyuhin sa nasabing lugar nang makatanggap sila ng tawag mula sa radyo ng kanilang mga kasamahang guwardiya na nakatalaga sa main gate na mayroon isang lalaking nakasakay ng kulay itim na motorsiklo na paikut-hikot sa  naturang lugar.

Nang mamataan ito ng mga biktima, sisitahin sana nila ang suspek, subalit bigla na lamang silang pina­ulanan ng bala na naging dahilan ng kamatayan nang magtiyuhin.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.

vuukle comment

ARIEL ANDRADE

BETTER LIVING LEBANON ST. BRGY

CHRISTOPHER VILLAQUEL

CITY POLICE

DOCTORS MEDICAL CENTER

DON BOSCO

GUILLERMO BIGNO JR.

MICHAEL BIGNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with