^

Bansa

Tax evasion vs anak ni Corona tuloy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinuloy ng Department of Justice ang kasong tax evasion laban sa anak ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona na si Carla Castillo.

Sa 16-pahinang resolusyon na nilagdaan ni Pro­secutor General Claro Arellano, may sapat na batayan o probable cause para litisin ang kasong tax evasion si Castillo.

Ayon sa DOJ, kabuuang halaga na P228,040 ang idineklarang kita ni Carla noong 2008 at 2009 ngunit noong 2010 ay nakabili siya ng ari-arian sa La Vista, Quezon City na nagkakahalaga ng P18-M.

Binalewala lamang ng panel ang paliwanag ng respondent dahil sa umano ay kawalan ng merito.

Kumbinsido ang DOJ na sinadya ni Carla na umiwas sa pagbabayad ng buwis noong 2010 dahil hindi naghain ng kanyang ITR para sa nabanggit na taon.

Kasong paglabag sa Section 254 at 255 ng National Internal Revenue Code ang ipinasasampa ng DOJ laban kay Carla. Ayon sa BIR, aabot sa P9.93-M ang tax liability ni Carla sa gobyerno.

 

vuukle comment

AYON

CARLA

CARLA CASTILLO

DEPARTMENT OF JUSTICE

GENERAL CLARO ARELLANO

LA VISTA

NATIONAL INTERNAL REVENUE CODE

QUEZON CITY

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with