^

Bansa

De Lima ‘di pa ilalantad ang 19 sa pork scam

Ludy Bermudo, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanindigan si Justice Sec. Leila de Lima na hindi muna nila ibubunyag ang listahan ng mga mambabatas at opisyal ng gobyerno na ayon kay Janet Lim Napoles ay kasama sa mga nakinabang sa pork barrel fund scam.

Ito’y sa harap na rin ng panawagan ng ilang senador at kongresista na isiwalat na ng kalihim ang listahan dahil sa pangamba na may bahid ng pulitika ang ginawang pagbubunyag ni Napoles.

Ayon kay de Lima, ila­lantad lamang niya ang listahan sa tamang panahon at ito ay kapag natapos na ang beripikasyon sa impormasyon na inilahad ng itinuturong utak sa PDAF scam.

Sa oras din umano na kanyang ibunyag ang listahan, nais ni de Lima na tukuyin kung alin sa mga ito ang totoo, kapani-paniwala at walang katotohanan.

Nakatakda umanong sumailalim sa ilan pang sesyon ng clarificatory questioning si Napoles.

Pero sa ngayon, wala pa umano silang nakikitang conflict o hindi pagkakatugma sa kanyang mga ibinunyag sa hawak na mga ebidensya ng Department of Justice at National Bureau of Investigation.

Ayon naman kina Reps. Jonathan dela Cruz (Abakada), Gus Tambunting (Parañaque) at Benjamin Agarao (Laguna) na tungkulin ni de Lima na bigyan ng kaliwanagan ang publiko sa pamamagitan ng pagbubunyag ng mga pangalan na sangkot upang mabigyan naman sila ng pagkakataon na maihayag ang kanilang panig.

Maaari umanong ma­akusahan si de Lima na naglilinis ng listahan ng mga kasalukuyan at dating mambabatas na inakusahan ni Napoles na sangkot sa pork scam upang mailigtas lamang ang mga kaalyado ng administasyon kung hindi agad nito ibubunyag ang pagkakakilanlan ng mga ito.

vuukle comment

AYON

BENJAMIN AGARAO

DEPARTMENT OF JUSTICE

GUS TAMBUNTING

JANET LIM NAPOLES

JUSTICE SEC

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with