^

Bansa

Tulfo sa DILG: I-upgrade air assets para sa mas mabilis na responde .

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ni Sen. Erwin Tulfo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na palakasin at ipamahagi sa iba’t ibang rehiyon ang mga aerial assets ng Philippine National Police (PNP) upang mas mabilis na makaresponde sa sakuna, labanan ang krimen, at protektahan ang kalikasan.

Sa budget briefing ng DILG para sa 2027, binigyang-diin ni Tulfo ang pangangailangan ng mabilis na aksyon mula sa himpapawid, lalo na sa mga liblib na lugar na talamak ang illegal logging at kaingin gaya ng Palawan at Sierra Madre.

Sinuportahan ni Senate Finance Panel Chair Sen. JV Ejercito ang panukala, at iminungkahi ang pagpapadala ng mga helikopter ng PNP sa mga probinsya tulad ng Cebu, Davao, at La Union para sa search and rescue operations, sakuna, at medical evacuation, imbes na manatili lamang sa Maynila.

Bagama’t sinusuportahan ang pagbili ng drone para sa pagmamanman, iginiit ng mga senador na hindi dapat mawala ang helikopter sa rescue missions.

Tiniyak naman ni Tulfo ang buong suporta sa pondong kailangan ng DILG at PNP para sa modernisasyon ng air assets.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with