^

Bansa

Free viewing sa rematch ni Pacman vs Bradley

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maghahandog ang Armed Forces of the Philip­pines (AFP) ng ‘free viewing’ sa boxing rematch nina Sarangani Rep. Manny Pacquiao at American boxer Timothy Ray Bradley Jr . sa Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Manila).

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala II, ang libreng panonood ng laban nina Pacman at Bradley ay alay ng AFP para sa mga sundalo at kanilang mga dependents.

Si Pacman ay isang reservist ng Philippine Army na may ranggong Lt. Colonel na sa tuwing mananalo sa boxing ay bumisita sa tanggapan ng kinabibilangang hukbo at maging sa tropa ng militar na nasa combat operation sa Basilan at Sulu.

Nabatid na mara­ming mga sundalo ang humuhugot ng inspirasyon sa kanilang idolong si Pacman.

Sina Pacman at Brad­ley ay maghaharap para sa welterweight title na nais mabawi ng pambansang kamao matapos ang kontro­bersyal na panalo dito ng American boxer noong Hunyo 2012 sa MGM Grand Arena sa Nevada, Estados Unidos.

Kabilang naman sa pagdarausan ng free viewing ang AFP Wellness Center sa Camp Aguinaldo at magse-set-up rin ng wide screen sa AFP grandstand .

Bukod sa Camp Aguinaldo ay  mayroon ding free viewing sa AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIP

CAMP AGUINALDO

ESTADOS UNIDOS

GRAND ARENA

MEDICAL CENTER

PACMAN

PHILIPPINE ARMY

PUBLIC AFFAIRS OFFICE CHIEF LT

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with