^

Bansa

Ibubunyag ng 2 sinibak na NBI officials inaabangan ng Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaabangan ng Palasyo ang ibubunyag ng dalawang sinibak na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., hihintayin ng Malacañang ang ibubunyag nina dating NBI Deputy Dir. Roel Lasala at Reynaldo Esmeralda matapos silang sibakin sa kanilang puwesto.

Unang sinabi nina Lasala at Esmeralda na may ilang NBI officials ang malapit kay Janet Lim-Napoles.

Ayon kay Coloma, dapat malaman ang katotohanan at dapat ay suportado ito ng mga kongkretong ebidensya.

Wika pa ni Sec. Coloma, dapat daw mapanagot ang nagkasala at may kasalanan na nakabatay sa ebidensiya.

“Hihintayin natin ang kanilang pagbubunyag. Kailangang mabatid ang buong katotohanan, at kung ang paglalahad ay batay sa kongkretong ebidensya. Dapat mapanagot ang may pananagutan,” wika pa ni Coloma.

 

vuukle comment

AYON

COLOMA

DAPAT

DEPUTY DIR

HERMINIO COLOMA JR.

JANET LIM-NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REYNALDO ESMERALDA

ROEL LASALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with