^

Bansa

Tambay dumami

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inamin ng Palasyo na lumobo ang bilang ng tambay sa bansa sa taong ito.

Sa ulat ng National Economic Development Authority (NEDA) pumalo na sa 7.5 percent ang unemployment rate nitong Enero o mas mataas ng .4 percent kumpara sa 7.1 percent noong 2013.

Sinabi ni NEDA Director General Arsenio Balisacan, ang pinaka­mabigat na dahilan nito ay ang sunud-sunod na kalamidad na puminsala sa kabuhayan at mga negosyo sa Central Luzon, Eastern Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.

Bilang tugon sa problema, sinabi ni Coloma na mas paiigtingin ng pamahalaan ang employment opportunities sa mga lugar kung saan nagkaroon ng migration ng mga biktima ng kalamidad o sa pinakamalapit na bayan at lalawigan.

Aniya, tutulungan din ng pamahalaan ang mga job applicants na makakuha ng mga dokumento na nasira ng Yolanda at iba pang kalamidad.

“Ito ying mga praktikal na pangangaila­ngan na nakakaapekto doon sa employability ng mga naghahanap ng trabaho kaya tinutukoy at tinututukan ito ng ating pamahalaan para maibsan ‘yung problema ng kawalang hanapbuhay na nakita nating tumaas nang bahagya dahil sa mga kalamidad  na naranasan ng ating bansa,” dagdag pa ng kalihim.

vuukle comment

ANIYA

BILANG

CENTRAL LUZON

COLOMA

DIRECTOR GENERAL ARSENIO BALISACAN

EASTERN VISAYAS

ENERO

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with