^

Bansa

2 Pinoy patay, 3 pa sugatan sa pagsabog sa Qatar

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang Pinoy ang nasawi sa pagsabog ng isang gas tank sa isang restaurant sa Doha, Qatar nitong Huwebes.

Nagtatrabaho bilang tindera sa isang tindahan ang dalawang namatay na hindi muna pinangalanan ng embahada ng Pilipinas.

Sa lakas ng pagsabog ng Turkish restaurant ay nadamay ang mga katabing establisyamento kabilang ang pinagtatrabahuhan ng dalawang biktima.

Umabot sa 12 ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog na naganap bandang alas-10 ng umaga.

Bukod sa dalawang Pinoy na namatay ay tatlo pa ang sugatan, kung saan dalawa ang kritikal at nasa intensive care unit ng Hamad Hospital.

Nangako naman ang gobyerno na magbibigay ng tulong sa pamilya ng mga namatay at sa mga sugatan sa insidente.

vuukle comment

BUKOD

DALAWANG PINOY

DOHA

HAMAD HOSPITAL

HUWEBES

NAGTATRABAHO

NANGAKO

PILIPINAS

PINOY

UMABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with