^

Bansa

‘Face off’ nina Vhong, Deniece at Cedric itinakda sa Valentine's Day

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa Valentines Day nakatakda ang  ‘face off’ ng TV host at actor na si ‘Vhong Navarro, model na si Deniece Cornejo at negosyanteng sa  Cedric Lee sa Department of Justice (DOJ).

Tiniyak naman ng kam­po ni Navarro na handa na ang aktor sa Pebrero 14 kasabay ng unti-unti nitong pagrerekober matapos na maganap ang pambubugbog sa kanya ng grupo ni Lee noong Enero 22 ng gabi sa condominium unit ni Cornejo.

Ayon kay Atty. Alma Mallonga, isa sa mga abogado ni Navarro, ta­nging sa mata at ilong na lamang ang seryosong sugat na iniinda ngayon ng kaniyang kliyente habang patuloy pang nagpapagamot sa ospital.

“Maayos na siya. Da­dalo siya sa preliminary hearing sa susunod na linggo,” sabi pa ni Mallonga.

Inihayag pa ni Mallonga na naghahanda na rin si Navarro para sa kaniyang pagharap sa preliminary investigation ng Department of Justice (DoJ) para sa inaasa­hang “face off” nila nina Deniece Cornejo, Cedric Lee at anim na iba pang akusado matapos na ipa-subpoena ng panel of prosecutors.

Batay sa subpoena na ipinalabas ng DoJ panel of prosecutors na may hawak sa kaso, itinakda ang pagdinig sa Pebrero 14 at 21, 2014.

Kaugnay nito, pinadalhan na ng panel of prosecutors ng subpoena ang kampo nina Cornejo, Lee, Berniece Lee, Ferdinand Guerrero, Zimmer Rance at iba pang respondent sa kaso.

vuukle comment

ALMA MALLONGA

BERNIECE LEE

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

FERDINAND GUERRERO

MALLONGA

NAVARRO

PEBRERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with