^

Bansa

Lola pisak sa backhoe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 55-anyos na lola matapos itong magulungan ng backhoe habang tumatawid sa kahabaan ng Benigno Aquino Avenue sa Iloilo City, Iloilo kamakalawa. Sa ulat ng Iloilo City PNP na nakarating sa Camp Crame, ihahatid ng biktimang si Teresita Jaravilla ang kaniyang apong lalaki sa eskuwelahan nang masagasaan. Sa testimonya ng guwardiya ng eskuwelahan sa mga imbestigador, masyadong matulin ang backhoe at hindi nito napansin ang matanda habang akay ang apo ng mahagip  saka magulungan habang nakaligtas ang apo nito. Ayon pa sa pulisya, ang backhoe ay pag-aari ng Gio Transport kung saan naghihimas naman ng rehas na bakal ang driver nito.

vuukle comment

AYON

BACKHOE

BENIGNO AQUINO AVENUE

CAMP CRAME

GIO TRANSPORT

HABANG

ILOILO

ILOILO CITY

KALUNUS

TERESITA JARAVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with