^

Bansa

Excelente Light Brandy mabenta

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang malalampasan ng Excelente Light Brandy ang kanilang sales targets ngayon taon kasunod na rin sa mainit na pagtanggap ng mamimili sa pinakabagong light brandy sa merkado.

Sinabi ni Jose Paulino L. Santamarina, presidente ng Montosco’s Premiere Wines and Spirits division na ang magandang bentahe ng Excelente ay dala na rin sa pagiging mura subalit may mataas na kalidad na imported Spanish brandy.

“Nakita ito matapos bumili ang customer ng produkto matapos ang isinagawang taste tests sa Excelente. Ang pahayag ng consumer kaya nila binili ang produkto ay dahil sa pagiging mura ng isang tunay na Spanish brandy,” ani Santamarina.

Inilunsad ng Montosco ang Excelente nitong Nobyembre kasama ang kapartner nitong 136-taong Williams and Humbert Wineries ng Espanya.

Ang Excelente ay ang kauna-unahang imported light brandy na mabibili sa mababang halaga. Tinustusan ng Williams and Humbert ng $10 million para ma-develop ang Excelente para lamang sa mga Pilipino sa pamamagitan ng tradisyunal na Solera brandy system gamit ang mga sangkap tulad ng vanilla pods mula Sri Lanka, plum raisins mula Basque Spain, at Regia Green walnut bark mula Espanya.

Ayon kay Santamarina, pinaghahandaan na ng Montosco ang inaasahang mataas na demand sa Excelente ngayong Kapaskuhan. Ang produkto ay mabibili sa Puregold, Robinsons Supermarket, 7-11, at Mercury Drug sa buong bansa.

Sinisikap aniya ng kumpanya na maibenta na rin sa mga groceries, sari-sari stores at public markets ang Excelente upang mas madaling mahanap ng mamimili.

Inihayag ni Santamarina na inaasahang lalago pa ang market para sa brandy dala na rin sa pagdami ng bilang ng mga Pinoy na health-conscious at pagtangkilik sa light alcohol beverages.

 

vuukle comment

ANG EXCELENTE

BASQUE SPAIN

BRANDY

ESPANYA

EXCELENTE

EXCELENTE LIGHT BRANDY

JOSE PAULINO L

MONTOSCO

PREMIERE WINES AND SPIRITS

SANTAMARINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with