^

Bansa

Comelec kinalampag sa dayaan sa bgy. poll

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan sa Commission on Elections (Co­melec) ang mga residente  ng Barangay Bantog sa San Miguel, Bulacan na dapat masusing imonitor at linisin ang listahan ng mga botante sa kanilang lugar dahil sa paniniwalang maraming flying voters ang nakalusot at nagwagi sa katatapos na barangay elections.

Ayon sa ilang residente, wala na silang magagawa at hindi na rin naman mahahabol ang resulta ng eleksiyon subalit mas mabuti umanong hindi na maulit ang kanilang nasaksihang mga dayaan tulad ng isang nagwagi umanong babaeng kagawad,  na kapartido ng nanalong chairman doon.

Ang nagwaging babaeng kagawad ay naghakot umano ng flying voters na inasistihan pa raw ng mga anak sa pamamagitan ng pag-ieskort sa mga flying voters sa mismong polling precincts at itinuturo lang diumano ang pangalan na kanilang gagamitin at kung sino ang dapat na iboto.

Naniniwala ang mga taga-Brgy. Bantog na seryoso at hindi umano dapat maliitin ang nakalipas na dayaan sa eleksiyong pambarangay dahil maaring magtuloy-tuloy pa ang ganitong pandaraya kung palaging makakalusot.

 

vuukle comment

AYON

BANTOG

BARANGAY BANTOG

BRGY

BULACAN

NANAWAGAN

NANINIWALA

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with