^

Bansa

Estrada suportado ang ama vs illegal gambling

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsalita na kahapon sa Col. Jude Estrada, reserved officer ng Armed Force of the Phils. hinggil sa mga gambling operator at iba pang illegal activities na nais pasukin ang Lungsod ng Maynila.

Si Jude, isa sa anak ni Manila Mayor Joseph Estrada, ay nagpahayag na kailan man ay hindi siya maaaring magamit ng kahit na sino upang makapagbukas ng kahit anong illegal na negosyo sa kanilang nasasakupan.

Ito ay kasunod ng akusasyon na ito umano ang daan upang makapagbukas ng lahat ng klase ng illegal sa siyudad tulad ng iba’t ibang sugal at mga malalaswang panoorin.

Isang alyas Tiger umano na tauhan ni Jude ang umano’y nakikipag-usap sa mga ilegalista na mariin nitong pinabulaanan dahil sa isa lamang itong paninira.

“Ayaw ng aking ama ang ano mang illegal sa Maynila at katunayan marami nang pulis ang sinibak dahil dito at ako bilang anak ay naka­suporta dito at doon sa mga nais lumapit para sa kahit anong klaseng illagal ay huwag n’yo nang ituloy, dahil mapapahiya kayo” pahayag ni Jude.

Tiniyak din ng batang Estrada na pinagkakatiwalaan niya ang tauhan niyang si Tiger ngunit sa pamamahagi ito ng mga relief goods at rescue operation nakatalaga at imposibleng masangkot sa mga illegal dahil bawal ito sa Maynila.

vuukle comment

ARMED FORCE OF THE PHILS

AYAW

ISANG

JUDE ESTRADA

LUNGSOD

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

SI JUDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with