‘Pork’ buwagin na! - PNoy
MANILA, Philippines - Panahon na upang tuluyang buwagin ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel ng mga mambabatas.
Ito ang malinaw na mensahe kahapon ni Pangulong Aquino sa ipinatawag na biglaang press conference sa Malacañang kahapon.
“Panahon na upang i-abolish ang PDAF,†wika ng Pangulo.
Sa halip ay bubuo ng bagong mekanismo ang Senado at Kamara upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa paraang tapat na paggamit ng pondo ng bayan at hindi masasayang.
Tiwala ang Pangulo na magagampanan ng inter-agency coordinaÂting council na binubuo ng COA, DOJ at Ombudsman ang pag-iimÂbestiga sa P10-B pork barrel fund scam na utak umano si Janet Lim-Napoles.
Nagulat siya sa ibinunyag ng COA Special Audit report sa paggamit ng PDAF noong 2007-2009.
Aniya, dapat matukoy ang mga dapat managot sa anomalÂyang ito hanggang sa kasuhan at makulong at bawiin ang mga nakaw na yaman ng mga nasangkot.
Katuwang ng PaÂngulo sina Senate PreÂsident Franklin Drilon at House Speaker Sonny Belmonte upang masiguro na makakakuha ng patas na bahagi sa pambansang budget ang lahat ng mamamayan para sa health services, scholarship, livelihood projects at local infrastructure.
“Kung maaprubahan, itatala ang mga ito bilang mga line item, alinsunod sa mga programa ng Pambansang Pamahalaan. Mapapaloob ito sa batas bilang Pambansang Budget-- hihimayin ang bawat linya, bawat piso, bawat proyekto, gaya ng lahat ng iba pang programa ng inyong pamahalaan,†giit pa ng Pangulo.
Wika pa nito, itutuloy ang mga proyektong mula sa isang limitadong menu ng mga popondohan ng gobyerno kung saan ay bawal na ang mga soft projects tulad ng fertilizers, punla, gamot, medical kits, pustiso, paliga, training materials, at iba pang mga bagay na hindi masusuri kung totoo ngang may kinahihinatnan, o kung nagmumulto at pinagkakakitaan lang naman pala gayundin ay bawal na rin ang mga panandaliang imprastruktura, o kaya’y mga dredging, desilting, regraveling, o asphalt overlay project at bawal nang padaanin sa mga NOGF’s at GOCC’s ang mga pondo at limitado na lamang sa distrito at sector ng mambabatas na nagpanukala ang kanyang proyekto.
“Ipagpapatuloy natin ang tapat at bukas na bidding para sa bawat proyekto; kailangang ipaskil sa Philippine Government Electronic Procurement System o PhilGEPS ang lahat ng mga bid notices at awards at upang masubaybayan ng taumbayan ang implementasyon ng mga proyekto, ihahayag ito nang buo sa website ng DBM at kaukulang ahensya, pati na sa National Data Portal ng gobyerno (www.data.gov.ph), paliwanag pa ng chief executive.
Inatasan din ni PNoy si Secretary Abad ng DBM na kumonsulta kina Speaker Belmonte at Senate President Drilon upang pandayin ang mekanismo, at isumite ito sa akin. Ilalatag natin ito upang ang mga alokasyon sa bawat distrito ay mapabilang na sa ating Pambansang Budget simula sa panukalang budget ng 2014.
- Latest


















