^

Bansa

Ilang pari tumanggap ng tulong kay Napoles

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May ilang alagad ng simbahan ang tumatanggap ng tulong mula sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Sa isang radio interview kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, ikinuwento niya na ilang pari, sakristan at ma­ging Chinese priests ang tinulungan at kinupkop ni Napoles sa kaniyang tahanan.

Kabilang aniya dito ang isang hindi pina­ngalanang pari na may malubhang sakit.

Nagulat aniya siya nang maglabasan ang mga ulat na si Napoles ang itinuturong utak ng bilyong pisong pork barrel scam.

Naniniwala naman si Arguelles na marami sa mga alagad ng simbahan ang tumatanggap ng tulong ng hindi na inaalam kung saan nagmula ang tulong.

Mayroon din namang maituturing na “subjectively guilty” sa pagtanggap ng donasyon tulad halimbawa na alam namang jueteng lord bagamat matulungin sa simbahan ay tinatanggap pa rin ang donasyon.

Aniya, tulad ng kaso ni Msgr. Josefino Ramirez na matagal nang tumutuloy sa tahanan ng kaibigan niyang si Napoles dahil sa sakit nito at matagal nang sumasailalim sa regular na dialysis.

 

vuukle comment

ANIYA

ARGUELLES

JANET LIM-NAPOLES

JOSEFINO RAMIREZ

KABILANG

LIPA ARCHBISHOP RAMON ARGUELLES

MAYROON

MSGR

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with