^

Bansa

Solon na nagpapakansela ng prangkisa ng PUVs, anti-poor

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinawag na anti-poor, elitista at walang alam sa pampublikong transportasyon ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) si Bulacan Rep. Joselito Mendoza dahil sa pag-aakda nito ng House Resolution 165 na nag-aatas sa LTFRB na kanselahin ang lahat ng prangkisa ng jeep at bus upang mawala ang mga kolorum vehicles nationwide.

Binigyang diin ni Piston President Goerge San Mateo na mukhang walang alam si Mendoza sa sistema ng public transport dahil kung nais anyang ipaalis ni Mendoza ang mga colorum, dapat ay hindi ang mga pampasaherong sasakyan na may legal na operasyon.

Pinagsabihan din ni San Mateo ang naturang kongresista na magsiyasat muna bago maghain ng resolusyon sa Kamara at pag-aralang mabuti ang gagawing aksiyon.

Ipinararating din ni San Mateo kay Mendoza na may malaking pakinabang sa pamahalaan ang mga passenger vehicles dahil kasalo anya sila sa 12 percent vat sa langis na kanilang naikakarga sa kanilang mga sasakyan at nagbabayad din sila ng Road Users Tax sa kada taong pagrerehistro ng sasakyan gayundin ay may bayarin pa sila sa Common Carrier tax  sa kada buwan ng operasyon.

vuukle comment

BULACAN REP

COMMON CARRIER

HOUSE RESOLUTION

JOSELITO MENDOZA

MENDOZA

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

PISTON PRESIDENT GOERGE SAN MATEO

ROAD USERS TAX

SAN MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with