^

Bansa

Bagong LPA namataan sa Southern Luzon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa man tuluyang nakakalabas ng bansa ang bagyong Dante, isa na namang Low Pressure Area (LPA) o bagong sama ng panahon ang namataan ng PAGASA sa Southern Luzon kahapon.

Sinabi ni Buddy Javier, weather forecaster ng PAGASA, ang naturang sama ng panahon ay may 50 percent na maging ganap na bagyo at kapag pumasok na sa bansa ay tatawaging bagyong Emong.

Patuloy naman na napanatili ni bagyong Dante ang lakas habang nasa ibabaw ng Pacific Ocean.

Alas-10 ng umaga, si Dante ay namataan sa layong 1,080 kilometro sa timog silangan ng Basco Batanes taglay ang lakas ng hanging na 75 kilometro bawat oras  malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 90 kilometro bawat oras.

Tinatahak nito ang direksiyon pahilaga hilagang silangan ng Japan sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Bagamat ang bagyong Dante ay nasa karagatan, pinapaigting naman nito ang habagat na siyang nagdadala ng mga pag uulan sa kanlurang Luzon, Bicol at western Visayas. Ang Metro Manila ay patuloy na makakaranas ng mga pag uulan laluna sa hapon o gabi dulot ng thunderstorm.

Samantala, sinabi naman ni Ricky Fabregas, weather specialist ng PAGASA na dahil sa halos araw araw na pag ulan, dami ng kaulapan sa kalangitan, high humidity at kundisyon ng hangin ay pumasok na ang tag-ulan sa bansa.

 

vuukle comment

ANG METRO MANILA

BAGAMAT

BASCO BATANES

BICOL

BUDDY JAVIER

LOW PRESSURE AREA

LUZON

PACIFIC OCEAN

RICKY FABREGAS

SOUTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with