^

Bansa

Angara inindorso ni Miriam

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inindorso ni Senador Miriam Defensor-Santiago si Team Pnoy senatorial candidate  Edgardo “Sonny” Angara sapagkat naniniwala ang batikang senadora na ang susunod na Senado ay nanga­ngailangan ng matatalino at may prinsipyong mga batang mambabatas na may malinaw na pananaw para sa kinabukasan ng Pilipinas.

“Ineendorso ko si Sonny Angara sapagkat nais kong ang mga batang mambabatas ang maihalal sa Senado. Ayoko ng septuagenarians na nangangampanya nang naka-wheelchair. Hindi ko gusto ang kanilang mga katangian na nabubuhay sa ibang panahon,” sinabi ni Santiago matapos itaas ang kamay ni Angara na pumunta sa kanyang bahay sa La Vista Subdivision, Quezon City.

Ikinatwiran pa ni Santiago na ang tatlong terminong mambabatas ng Aurora ang nagbigay-buhay sa kalidad ng edukasyon, bilang isang nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas– College of Law, Harvard University sa Amerika at London School of Economics sa Inglatera.

Sinabi naman ni Angara na lubos niyang ikinalulugod at ipinagpapa­salamat  ang endorsement ng mambabatas.

“Ang endorsement ni Senador Miriam ay hindi isang ordinaryong endorsement sapagkat siya ay hindi isang ordinaryong senadora,” sinabi ni Angara. â€œBihira sa ating kasaysayan na makakita ng isang tao na nagtataglay ng ibat-ibang katauhan – mula legal na luminaryo at matalinong babae sa Senado, siya ay tagapagtanggol din ng ating karapatan at kampeyon ng susunod na henerasyon.”

vuukle comment

ANGARA

COLLEGE OF LAW

HARVARD UNIVERSITY

LA VISTA SUBDIVISION

LONDON SCHOOL OF ECONOMICS

PILIPINAS

QUEZON CITY

SENADO

SENADOR MIRIAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with