^

Bansa

Pagbaha sa Cavite pinasisiyasat

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong ni Cavite Congressman Ayong Maliksi ang imbestigasyon sa isang umano’y maanomalyang reclamation project na ang isang pangunahing ilog sa kanyang lalawigan ay ginawang multi-milyong halagang resort.

Sinabi ni Maliksi na nalalagay sa panganib ang buhay ng may tatlong milyong Caviteño makaraang gawing Island Cove Resort ang isang 34-ektaryang lupain na ibinenta sa mga Remulla.

Ang hakbang ng mambabatas ay bunsod sa pagkwestiyon ni Kawit Mayor Reynaldo Aguinaldo kay Cavite Gov. Jonvic Remulla dahil sa tumaas na insidente ng pagbaha sa mga mababang lugar sa kanilang lalawigan kabilang na dito ang mga historic sites kung saan idineklara ng lolo ng alkalde na si President Emilio Aquinaldo ang Philippine independence mula sa Spain.

Samantala, nangako din si Ronald Jay Lacson na vice gubernatorial candidate ni Maliksi sa ilalim ng Liberal Party (LP) na itutuloy nila ang imbestigasyon sa sinasabing Cavite land scam na naimbestigahan na ng Senado noong 2000.

Sinabi nina Maliksi at Lacson na nababahala rin sila ng tulad ng sa mga environmental groups sa ginawang reclamation project sa Binakayan river ni dating Gov. Johnny Remulla, ama ni Jonvic, at mga opisyal ng Kawit sa 34 ektaryang lupain kaya tumataas ang lebel ng tubig sa dagat na siyang dahilan kayat nagbabaha sa mabababang lugar sa Cavite.

vuukle comment

CAVITE

CAVITE CONGRESSMAN AYONG MALIKSI

CAVITE GOV

ISLAND COVE RESORT

JONVIC REMULLA

KAWIT MAYOR REYNALDO AGUINALDO

LIBERAL PARTY

MALIKSI

PRESIDENT EMILIO AQUINALDO

REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with