^

Bansa

Anti-dynasty bill pinalakas

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinulong na sa Kamara ang House Bill 6660 na tutugon sa lumalakas na panawagan na palawakin ang sakop ng panukalang anti-political dynasty bill.

Sa HB 6660 ni Rep. Mitch Cajayon ng 2nd district ng Caloocan, layon nito na masakop ang mga pamilya at kamag-anak ng mga halal na pinuno na may posisyong nasyonal sa paghawak o pagtakbo sa halalan.

Sa ilalim ng panukala ni Cajayon, ang mga pinagbabawalang kandidato sa Senate Bill 2649 ni Sen. Miriam Santiago at House Bill 3413 ni Rep. Teddy Casino ay pinapalawak upang makasama ang pamil­ya at mga kamag-anak ng Presidente ng Pilipinas, Pangalawang Pangulo at mga Senador.

Ang mga kamag-anak ng dalawang pinakamataas ng pinuno ng bansa ay diskwalipikadong tumakbo sa ano man posisyon habang pinagbabawal rin ang sabay-sabay na paghawak ng halal na posisyon sa gobyerno ng mga magkakaparehong kamag-anak sa ilalim ng House Bill 6660.

Pinipigilan rin sa ilalim ng panukala ang agad na pagtakbo ng sino man kamag-anak sa babakantehing posisyon ng isang opisyal na nasa kanyang huling termino.

Ang pamilya at mga kaanak ng mga nakaupong halal na pinuno ay sakop rin ng pagbabawal na tumakbo sa ilalim ng party-list system.

vuukle comment

CAJAYON

CALOOCAN

HOUSE BILL

ISINULONG

MIRIAM SANTIAGO

MITCH CAJAYON

PANGALAWANG PANGULO

SENATE BILL

TEDDY CASINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with