^

Libreng bulaklak sa mga ina na sasakay ngayon sa LRT

- Ni Mer Layson () - May 13, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bibigyang pagkilala ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang mga ina ngayong araw kasabay nang pagdiriwang ng Mother’s Day.

Nabatid na bawat inang sasakay sa ilang istasyon ng LRT Line 1 at 2 ay bibigyan ng libreng mga rosas ng mga personnel ng LRTA.

Aabot sa may 200 masuwerteng ina ang inaasahang mapagkakalooban ng mga bulaklak sa naturang Mother’s Day Treat na gaganapin mula alas-8:00 ng umaga hanggang hapon LRT-1 Central at LRT-2 stations.

Gayunman, nilinaw ni LRTA spokesman Her­nando Cabrera na wala silang ipagkaka­loob na free ride o libreng sakay.

“Mamimigay po ng roses sa mga piling nanay na pasahero ng LRT bukas sa Cubao at Central Stations, pero wala pong libreng sakay,” pahayag pa ni Cabrera sa kaniyang Twitter account.  

AABOT BIBIGYANG CABRERA CENTRAL STATIONS CUBAO DAY TREAT GAYUNMAN LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY MAMIMIGAY NABATID
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with