^

Bansa

Ex-Palawan gov. takot sumuko

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - “Papatayin ako.”

Ito ang ginawang dahilan ni dating Palawan Gov. Joel Reyes na suspek sa pagpatay sa environmentalist at brodkaster na si Gerry ‘Doc’ Ortega kung kaya ayaw nitong sumuko at patuloy na nagtatago.

Malamang umano na patayin daw si Reyes sa City Jail ng Puerto Princesa na kontrolado naman ng kanyang mga kalaban sa politika.

Nangangamba si Re­yes sa kanyang buhay, pati na rin ng kanyang pamilya kaya hiniling niya sa Court of Appeals (CA) na pigilan nito ang branch 52 ng Puerto Princesa regional trial court na litisin ang kaso na nag-uugnay sa kanya sa pagpatay kay Ortega, maging ang omnibus order ng Department of Justice (DOJ) at ang warrant of arrest laban sa kanya.

Ikinabahala rin ng pa­mil­ya Reyes ang iba’t ibang social media na tila may kampanya umano na siya ay patayin at ang hinala ng kampo ni Reyes ito’y gawa ng mga katunggaling pulitika. 

Isang Bong ang nagpost sa Facebook ng: “Shoot to kill is the best option.”

Isang Junjun Ampatuan naman ang nagpost ng: “What about a shoot-to-kill order against Gov. Reyes, to include his wife and children…sana manlaban na lang sila sa mga pulis pag-aresto para mabaril na lang sila…ubos ang pamilya nya…tapos ang kwento…balik sa bayan ang mga ninakaw nila…

Natatakot si Reyes na pati ang pamilya niya ay dinadamay na. Ang kanyang maybahay na si Fems Reyes ang kasalukuyang vice governor ng Palawan.

Sa kanyang supplemental petition for certiorari and prohibition, sinalungat ni Reyes ang Omnibus Order na may petsang Marso 27, 2012 dahil hindi umano ito ayon sa instruksyon ng kalihim ng DOJ.

Ayon sa kanya, sa sulat ni DOJ Sec. Leila de Lima nuong September 29, 2011, na nagsasaad ng lawak ng kapangyarihan ng DOJ panel para sa reimbestigasyon ng kanyang kaso, lumagpas sa batayan ang DOJ panel kaya hindi makatarungan ang kanilang inilabas na omnibus order na bumaligtad sa dalawang nauna ng resolusyon ng DOJ.

Ang naunang DOJ re­solution ay umabswelto kay Reyes at ang panga­lawa naman ay ang ‘di pag­payag na ulitin ang preliminary investigation dahil wala namang karagdagang ebidensya na ipinakita ang prosekusyon. 

Hindi lamang lumagpas sa kanilang awtoridad kundi gumawa rin umano ng bagong preliminary investigation ang DOJ panel at inulit muli ang pag-aaral ng naunang panel at nirepaso at binaligtad pa din ang kanilang resolusyon. Dahil dito, ayon kay Reyes, ang omnibus order ng bagong panel ay ‘null and void.’ 

At dahil null and void ang impormasyon sa preliminary investigation/omnibus order ng bagong panel ay hindi din dapat ituloy ng branch 52 ng Puerto Prin­cesa RTC ang kaso.

vuukle comment

CITY JAIL

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DOJ

FEMS REYES

ISANG BONG

ISANG JUNJUN AMPATUAN

JOEL REYES

PUERTO PRINCESA

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with