^

Bansa

3 Pinoy kinidnap sa Yemen

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Tatlong tripulanteng Pinoy ang umano’y dinukot ng ilang kasapi ng isang tribu sa Yemen.

Bineberipika na ng Department of Foreign Affairs ang ulat mula sa Interior Ministry ng Yemen na hawak ngayon ng mga tribung Yemeni ang tatlong Pinoy.

Isa umano sa mga demand ng mga kidnaper ang pagpapalaya ng mga awtoridad sa isang kasamahan ng naturang tribu na nakakulong sa Sanaa jail.

Base sa report, dinukot ang tatlong Pinoy noong Martes sa central province ng Marib matapos magtungo sa Mahrah province kung saan dito nakadaong ang kanilang barko.

Ang mga kidnaper ay mula umano sa Bani Jabr tribe at hinihiling sa Yemen government na palalayain lamang ang mga biktima kung pakakawalan ang ka­nilang kasama na nakapiit sa Sanaa jail dahil sa kasong kriminal.

vuukle comment

BANI JABR

BINEBERIPIKA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

INTERIOR MINISTRY

ISA

MAHRAH

MARIB

PINOY

SANAA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with