^

Bansa

PNoy umaming nakikipag-date kay Grace Lee

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Umamin si Pangulong Aquino na lumalabas at nagkikita sila ng showbiz anchor ng GMA 7 na si Grace Lee.

Hindi itinanggi ng Pa­ngulo ang pakikipag-date nito kay Grace na una niyang nakita noong nakaraang taon sa isang event sa Cebu City.

Walang gatol ang sagot ni Aquino na luma­labas sila ni Grace pero tumangging kumpirmahin kung ‘girlfriend’ na ba niya ang nasabing tv personality.

“Sa ilalim ng Article 3 ng Konstitusyon ay ang bill of rights. Siguro naman puwede ko gamitin ito para sa aking privacy,” wika pa ng Pangulo sa pagdalo nito sa ika-25 anibersaryo ng Philippine Information Agency (PIA) kahapon ng umaga.

Si Grace Lee, na Korean-Cebuana, ay ang nag-emcee ng nasabing event sa Cebu noong nakaraang taon para sa inauguration ng Korean Electric Power Plant.

Naunang umamin si Ms. Lee sa kanyang twitter na lumalabas sila ng Pangulo at textmate daw niya si PNoy.

Sumunod na nagkita ang Pangulo at si Lee sa Malacañang noong nakaraang Disyembre kung saan ay mayroong one-on-one interview ang GMA 7 anchorwoman kay PNoy sa loob ng Palasyo.

Kamakailan ay nakita si Pangulong Aquino at Grace Lee na nagkakape sa isang fastfood chain sa Ortigas center ng madaling araw matapos ang dinner nito para kay Thailand Prime Minister Yingluck Shinawatra.

vuukle comment

AQUINO

CEBU CITY

GRACE LEE

KOREAN ELECTRIC POWER PLANT

MS. LEE

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE INFORMATION AGENCY

SI GRACE LEE

THAILAND PRIME MINISTER YINGLUCK SHINAWATRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with