^

Bansa

Repatriation flight sa Europa, kinokonsidera ng Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinokonsidera ng pamahalaan ang pagsasagawa ng repatriation flights para sa mga Pilipino sa France, Italy at iba pang bansa sa Europa sakaling magpatuloy o lumala ang mga kaguluhan at civil unrest sa mga nasabing lugar.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, pangunahing prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaligtasan at kapakanan ng mga OFWs sa gitna ng mga protesta at kaguluhang naiulat sa ilang bahagi ng Europa.

“Kahit anong kaguluhan, ang unang pinoprotektahan ng Pangulo ay ang mga OFW. Kung hindi magkakaroon ng kaayusan, maaaring magsagawa ng repatriation kung kinakailangan,” ani Castro.

Sinabi niya na layunin ng posibleng repatriation program na matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong nasa Europa kung lalala pa ang sitwasyon sa mga apektadong bansa.

Nauna nang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pang naitatalang Pilipinong nasaktan o nasangkot sa mga nagpapatuloy na protesta at kaguluhan sa France at Italy.

FLIGHT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with