^

Bansa

Pamilya Maguan may apela sa Palasyo

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines –  Nakiusap kahapon ang pamilya ni road rage victim Eldon Maguan sa Malacañang na ibasura muli ang ika-apat na apela ni convicted murderer Rolito Go na bigyan siya ng executive clemency o agarang paglaya.

Pinaliwanag ni Rosario Maguan, ina ni Eldon, sa Bureau of Pardons and Parole (BPP) na hindi pa napapanahon na palayain si Go dahil kulang pa ng 15 taon ang kanyang kaparusahan at marami pang insidente ng patayan sa kalye dahil sa hindi pagkaka-intindihan sa trapiko tulad sa nangyari sa anak niya.

Si Eldon, habang nagmamaneho papauwi matapos bumili ng pizza, ay nabaril ni Go, na pumasok sa isang one way na daan sa Greenhills, San Juan noong 1991.  Siya ay hinatulan ng korte noong 1996 ng 30 taong pagkabilanggo.

Noong administrasyon ni dating Pangulong Arroyo, si Go ay tatlong beses nag-apply ng exe­cutive clemency pero lahat ng ito ay binasura ng BPP dahil sa kakulangan ng merito bago pa man makarating ang mga papel sa Malacañang.

Ikinabahala ni Rosario na kapag binigyan ng agarang executive clemency si Go, puwede umanong tularan ng iba ang kanyang nagawang kasalanan at ma­kalaya ng agaran kahit grabe ang nagawang krimen.

vuukle comment

BUREAU OF PARDONS AND PAROLE

ELDON

ELDON MAGUAN

GREENHILLS

MALACA

PANGULONG ARROYO

ROLITO GO

ROSARIO MAGUAN

SAN JUAN

SI ELDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with